We're The Perfect Two.

Ask me anythingNext pageArchive

Miss na miss ko na siya.… Halos 3Months na rin na hindi ko siya nakikita. :( 

August 6, 2012. Miss na miss na talaga kita… Gustong gusto na kita makita. ;’( Malapit na 1st Anniversary natin…. I miss you like crazy.

(Source: lackieinlove)

Can we just cuddle, watch movies and kiss until we fall asleep and wake up to each other’s faces?

(Source: lackieinlove)

Full of love…
Jackie kao, sa tuwing tinitingnan ko tong picture natin nato, naiisip ko kung gano kita kamahal.. Lagi akong napapangiti sa tuwing nakikita ko to. Ang saya lang na mahal na mahal natin ang isa’t isa. Masasabi kong swerte ako sa pag ibig dahil minahal mo ko. Dahil nandiyan ka.. Kahit hindi tayo nagkikita, nakakatuwa na ikaw mismo yung nagsasbi na magpaka-strong tayo.. Sobrang natutuwa ako sa ganun.
Pagpasensyahan mo na kong minsan napakaselosa ko. Gusto ko kasi, akin ka lang, ayoko nang may kaagaw akong ibang babae sa atensyon mo. Minsan di tayo nagkakaintindihan at nag aaway tayo.. Minsan din, nasasaktan ako dahil sayo, ang totoo kasi, ang sakitmong magsalita kapag galit ka. Kahit na ako pa ang sinsabihan mo. Aaminin ko, dinadamdam ko lagi ang mga masakit na salitang nasasabi mo sakin… Minsan parang gusto ko na sumuko sayo, PERO hindi ko kaya, kasi, kahit na anong sakit kakayanin ko.. Kasi mahal kita. Mas mahalaga padin sakin yung pinapakita mong pagmamahal sakin kesa sa sakit na bnbgay mo. Wala akong pakealam kong may hindi magandang ugali sayo. Ako din naman e, at walang perpektong tao.. I love you just the way you are.
hindi ako sigurado sa future natin, pero isa lang ang sigurado, I won’t give up on us. Sana hindi magbago yung pagmamahal mo sakin. Kakayanin natin to baby. Kung ako ang tatanungin, ikaw na ang gusto kong makapangasawa at makasama habang buhay. Sabay nating tutuparin ang mga pangarap natin, na magkasama. ♥ 
Mahal na mahal na mahal na mahal kita, my love. :”)
- Your girl, Laarnie. 

June 15, 2012.

Mahal na mahal ko ang babyboy, baby, mahal, asawa KO. Sobra.

(Source: lackieinlove)

Hi, good evening.

Bakit kaya hindi siya nagtext sakin? Busy kaya siya? Sana hindi niya yun araw-arawin. Sana ngayon lang to. Sana okay na okay lang siya. 

(Source: lackieinlove)

July 9, 2012. Alam mo yung feeling na inlove slash nasasaktan ka? Oo, natural lang masaktan kapag nagmamahal. Hindi talaga maiiwasan.. Sa lovelife ko ngayon, dumadating sa punto na naiinggit ako sa ibang couples na lagi nagkakasama at nagkikita. Laging may time sa isat isa. Nakakainggit, sobra…. Gustong gusto ko makasama siya pero hindi pwede.. Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko na, kakayanin ko pa ba? Sumasagi lagi yan sa isipan ko. Pero naisip ko din na kakayanin ko to, gusto ko to e. Hindi dapat ako sumuko kasi Mahal ko siya, at willing mag sacrifice wag lang siya mawala sakin. Swerte padin ako kasi may mga kaibigan naman ako na nagpapasaya sakin kaya kahit papano, kahit sandali lang, nakakalimutan ko yung mga dinadamdam ko. Tatanggapin ko to, kakayanin ko to. Para sayo. 

Ang tanging gusto ko lang ngayon ay makita at makasama ang mahal ko. Gusto ko magkaroon kami ng enough time para saming dalawa. Sana mangyari na yun. :(

(Source: lackieinlove)

July 6, 2012. Always thinking..

Kailan kaya kita pwedeng makita? 1 and a half month na kita hindi nakikita. :( Ang sabi mo, “give me time”… Napakaraming oras na ang lumipas pero wala parin, hindi parin kita pwede makita.. Gagawa ka kaya ng paraan para magkita tayo? Miss na miss na kita……. boyfriend ko di ko man lang makita. :( 

Pag sinabi ko na naman sayo na gawa ka naman ng paraan, panigurado baka pagmulan pa ulit to nang away. Mahabang paliwanagan na naman.. ALL I CAN DO NOW IS TO WAIT…..

:(

(Source: lackieinlove)

June 29, 2012. Buong araw kita hindi nakausap. :( Miss na miss kita… Huhuhuhu How I wish makausap man lang kita bago matapos ang gabi nato.. :( 

(Source: lackieinlove)

June 28, 2012. Magtitiis ako. Kakayanin ko to. 

(Source: lackieinlove)

June 27, 2012. I feel better now. Kuntento nako. Basta kailangan ko lang talaga mag-adjust para hindi tayo magkagulo. I’ll do everything for you. Sacrifices? I’m willing to do them just for you. And for the two of us. Just promise me, na hinding hindi natin sisirain ang relasyon natin…. Babawasan ko na paghihinala. Alam ko nang wala mabuting mabibigay yun at hindi maganda sa relsyon natin ang puro hinala.

I will show it to you babe. I love you so much. 

(Source: lackieinlove)

June 25. PS, Ang sweet niya sakin ngayon. Namiss ko to ng sobra sobra!! Sana hindi lang ngayon to.

(Source: lackieinlove)

June 25, 2012. So yun, kahapon 10th Monthsary namin. At nakakalungkot na masakit, nakalimutan niya talga. First time ba? oo. Masakit… pero may ilang napag usapan kami. At ang ipinangako ko sakanya, Magbabago ako. PAPATUNAYAN KO YUN. Tatanggapin kona na hindi kana talaga katulad nung dati. Ako na ang gagawa ng paraan. Hindi ko na hihintayin pang gumawa ka ng way.. Dahil alam ko, di mangyayari yun. Tulad ng sabi mo, Ako ang dapat mag-adjust. Oo sige, Ako ang mag-aadjust. Gagawin ko lahat para maayos to. Kaya sana, gawin mo din ang part mo. Dahil alam na alam mong hindi lang ako ang may mali. PAREHO tayo. Sabi mo, Mahal mo padin ako, kaya sana iparamdam mo. Ipakita mo. 

Masakit talaga… Napakasakit. Kailangan ko lang talaga to labanan kasi nangako ako sayo. Simula ngayon, Hindi ko na ibabaling ang LAHAT ng atensyon ko sayo. Tandaan mo, sobrang minamahal kita kahit ang sakit sakit na…

(Source: lackieinlove)

June 23,2012. Akala ko magiging masaya na. Ganun padin pala… :( Sinabihan ako ng nanay ko, Sabi niya wag daw akong magfocus sayo. Wag daw akong maghabol sayo… Hayaan lang daw kita.. dapat daw hindi ako nagkakaganito… Luluhaluha nako nun knina e. Sana nga ganun e, sana kaya kitang tiisin, sana katulad mo nalang ako na hindi dinidibdib ang lahat… Pero pano gawin yun? Grabe, problem ba to na kaya pang i-solve, o fact na to na hindi na mababago pa? :(

MASAKIT. Bakit ang sakit sakit? :’(

(Source: lackieinlove)

June 22, 2012. I’m so blue. Hindi ko parin maintindihan kung bakit ko nararamdaman ang lahat ng to. Ang hirap :( Ang hirap sa pakiramdam… Sana makasurvive ako… Malungkot maging malungkot. :( Kailan ba to maaayos. Kailan ba ako magiging masaya ulit?

Nagbabago kana sakin. Ewan ko kung bakit. Miss na miss ko na talaga yung dating ikaw… :( Ayoko nang ituloy tong post na to. Hope tomorrow will be better…

(Source: lackieinlove)